May pautang ang gobyerno na P10,000 hanggang P200,000 ang Small Business Corporation ng Department of Trade and Industry sa mga financially distressed micro and small enterprises simula ngayong Lunes, October 26.
Malaking tulong ito para sa mga maliliit na negosyo na nagsara at hirap mag-reoperate matapos pinadapa ng economic crisis caused by government-imposed lockdowns to combat the spread of coronavirus disease.
Ang mga requirements ay ang sumusunod: (1) walang malaking utang sa banko o microfinance institution na past due before the pandemic, (2) mayor’s business permit ng 2019 o 2020 (maaring barangay permit kung hindi hihigit sa P50,000 loan), (3) mga larawan at video ng inventory, equipment at asset ng negosyo, at (4) patunay ng benta kung mahigit 10k ang hihiramin.
Ang term at service fee ng loan ay 4% sa 1 year, 6% sa 2 years, at 7.5% sa 3 years with 3 to 6 months naman ang grace period.
Malaking tulong ito para manumbalik at magtuloy-tuloy ang negosyo, helps restore jobs and helps the economy move in new normal environment.
Pwedeng mag-apply online. For more info, check out Small Business Corppration sa Facebook o sa website. They will post the link on Oct. 26th.
More Stories
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?
DAPAT O HINDI DAPAT BAGUHIN ANG ORAS NG PASOK NG GOBYERNO?
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM