December 25, 2024

P10-B tourism infra fund lilikha ng maraming trabaho sa mga lalawigan

PINUNA ni Kabayan Rep. Ron Salo ang umano’y pansariling interes ng mga stakeholders at negosyante sa tumututol sa paglalagak ng P10 pondo para sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) dahil mas nais nilang ibigay ang pondo direkta sa kanila.

Sinabi ni Salo na ang alokasyon na P10-B sa TIEZA ay magbubukas ng employment sa libu-libong mga manggagawa lalo na sa mga lalawigan kaysa kung ibigay ang pondo sa mga pribadong kumpanya.

“Could it be because they want to use public money for their self-interest or need an illegal bailout of their businesses?” wika ni Salo.

Hinamon naman ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang Department of Tourism na magpakita sa kongreso ng alternatibong plano kung paano babangon ang industriya ng turismo kung sakaling tututulan nito ang paglalaan ng pondo sa tourism infrastructure.

“It is unfortunate that Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat herself does not want to prioritize the infrastructure needs of most of the beautiful sites in the far-flung provinces in the country.Iniimbitahan ko ang ating butihing Kalihim na bumisita siya sa mga malalayong lugar para makita niya ang problema. Mahirap kasi kung nagpapalamig lang sila sa opisina nila sa Manila, talagang hindi nila makikita ang mga kakulangan,”giit ni Pimentel.

“Tutol ang DOT na magkaroon ng pondo para sa pagsasaayos ng kailangang kailangang infrastructure. Parang wala silang malasakit sa mismong mga probinsya kung saan nandun ang mga tourist sites,” dagdag pa nito.

Hamon ni Pimentel kay Puyat ay magpakita ito sa Kongreso ng alternatibing plano kung paano nito ibabangon ahg tourism sector kung tinututulan nito ang paglalaan ng pondo sa tourism infrastracture.

“Karamihan sa mga tourist spots sa probinsya ay kulang sa access road, walang comfort rooms, kulang sa mga facilities. Kung hindi natin popondohan ang mga tourism infrastructure na ito mapapag-iwanan na tayo ng mga ibang bansa nang tuluyan,” paliwanag ni Pimentel.

Tinukoy pa nito ang 2019 World Economic Forum Travel and Tourism Competitiveness Index na nagsaaad na ang Pilipinas ay may pinakamahinang infrastructure kaysa sa tourist destinations sa  Southeast Asian Region.

“Sana ay pakinggan din ng ating Tourism Secretary ang totoong problema ng mga tourism sector hindi lamang ang mga grupo ng travel agencies o mga resort owners,” giit pa ni Pimentel.

Gayundin ang posisyon ni House Tourism Chair Sol Aragones, aniya, “holistic” ang naging pagtugon ng Kamara sa problema sa turismo, hindi lamang umano sakop ng ilalaang pondo sa infrastracture ang mga kalsada kundi maging paglalagay ng mga cellsites at pagpapaganda ng mga tourist spots.

Hindi din umano mapapabayaan ang resort owners at travel agencies dahil may nakalaan na pondo sa ilalim ng Government Financial Institutions(GFIs) kung saan maaaring magavail ng loan ang mga ito.

“Another meeting involving tourism stakeholders, GFIs, and the government economic team will be set by Congress to iron out details to ensure that the tourism sector will be able to access the loans faster, on top of a 365-day grace period for loans that has been integrated into the House version of Bayanihan 2” paliwanag ni Aragones.

“We just want to assure the tourism sector na hindi po sila pababayaan, and want to make it clear that we are not funding tourism infrastructure at the expense of tourism sector financial assistance packages––lahat po yan may pondo. It is precisely because Congress recognizes the importance of the industry that it has provided all these funds for the sector,” pagtatapos pa ni Aragones.