TIMBOG ng pinagsanib na puwersa ng NBI Manila(lead team), Infanta Municipal Police Station at 1st QPMFC, QPPO at mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit ang tatlong Urban Van na naglalaman ng 80-piraso sako ng higit isang toneladang shabu na may timbang na 1,650 kgs na tinatayang aabot sa Php10 billion, matapos maharang sa inilatag na Chokepoint sa Infanta Quezon kahapon.
Sa ulat ng NBI Task Force Against Illegal Drugs, gamit ng international syndicate ang ilang mga isla sa naturang probinsya kung saan nagpalipat-lipat ang mga kontrabandong droga kung saan mula umano sa Alabat island ay inilayag sa pamamagitan ng isang yate patungo sa Polilio at Balesin bago idaong sa Infanta at doon isinakay sa tatlong Van na nasabat ng Task Force.
Sa pinaigting na intelligence operation ng otoridad ay nasabat sa checkpoint sa kahabaan ng National Highway, Brgy Comon Infanta, Quezon.
Dahil sa matagumpay na operasyon at team work, timbog mga suspek na sina:
1. Jaymart Gallardo, 29 y/o
2. Alvin Ibardo, 41 y/o
3. Mark Brian L Abonita, 26 y/o
4. Kennedy L Abonita, 24 y/o
5. Dante C Manoso, 35 y/o
6. Marvin A Gallardo, 39 y/o
7. Eugene G Bandoma, 38 y/o
8. Jenard Samson, 29 y/o
9. Reynante Alfuerto, 42 y/o, at
10. Jamelanie Samson, 34
Kaugnay nito, mas pinalawig ng NBI at Quezon PPO sa pamumuno ni PD PCOL JOEL A VILLANUEVA ang pakikipagugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa naturang probinsya.
Nanawagan ang lokal na Pamahalaan ng Infanta Quezon na pinangungunahan ni VM Ruanto acting Mayor, sa mga kababayan na maging mapagmatiyag sa kanilang komunidad at huwag magatubiling magbigay ng impormasyon upang malansag kalakaran ng droga at sindikato. Sa pahayag ni NBI Director Eric Distor, malawakan at big time ang operasyon ng sindikato ng droga dahil sa mga gamit na tracker, GPS at Satellite Phone na kapwa sasaliksikin ng mga forensic experts upang matunton ang ulo na pinanggalingan ng mga droga.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna