CANDELARIA, QUEZON – Inaalam na ngayon ng mga awtoridad ng Canderlaria Municipal Police Station ang pagkatao ng mga posibleng suspek na nag-iwan ng mahigit sa kalahating kilo ng mga pinaghihinalaang shabu sa banyo ng isang fast food restaurant sa naturang bayan nitong Huwebes ng gabi.
Batay sa report ng pulisya, nasa 511.5 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang P10,434,600.
Ayon kay Quezon Police Provincial Director Colonel Ledon Monte, posibleng nataranta umano ang mga hindi pa kilalang suspek na nag-iwan sa ilegal na droga nang makitang pumasok ang mga pulis na nagpapatrolya sa lugar para kumain.
Kasalukuyang pinag-aaralan ng mga pulis ang kuha sa CCTV ng fast food restaurant upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nag-iwan ng kontrabando. (KOI HIPOLITO)
More Stories
P6.352-T 2025 NAT’L BUDGET NILAGDAAN NI MARCOS
Live in partner tinadtad ng bala habang natutulog patay sa Quezon
Araw ni Rizal, Ginunita