NILIMAS ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek na nagpanggap na kawani ng gobyerno ang mga alahas, pera at gadgets na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P10.5 milyon kahapon ng umaga sa Garden Villas 3 Subdivision, Brgy. Caingin ng Sta. Rosa City, Laguna.
Ayon sa report ng Sta. Rosa City Component Police Station idinitalye ng dalawang biktima na sina alyas “Shiela”,36 taon gulang at alyas “Johcel”, 27 anyos na kumatok sa kanilang bahay ang mga suspek at nagpanggap umano ang mga ito na magsasagawa ng census.
Nang makapasok na sa loob ng kanilang bahay ay agad ng naglabas ng mga baril at nagdeklara ng hold-up at isa-isang kinuha ang 20 pcs. assorted jewelries na worth P10,000.000, 3 pcs iPhone Promax worth P276,000, 2 pcs. iPhone 13 worth P70,000, 3 pcs iPad worth P210,000, 1 pc. Samsung Phone worth P12,000.at P10,000.cash money na may kabuuang P10,578.000.000. ang halaga ng mga ninakaw ng mga suspek.
Naglatag na ngayon ng follow up operations at inaalam na rin ang mga posibleng pagkatao ng mga suspek na magnanakaw sa pamamagitan ng mga kuha sa CCTV malapit sa lugar ng insidente .(KOI HIPOLITO)
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust
Binata na wanted sa rape sa Valenzuela, arestado