Naaresto sa Pasig City ng mga ahente ng Bureau of Customs – Port of Clark ang lalaki na kumuha ng shipment na naglalaman ng may P10.36 milyong halaga ng Ketamine.
Nabatid na ang mga droga ay isinilid sa package kasama ang fitness expander, massage twister, trimmer, push-up bar at yoga block.
Dumating sa bansa ang pakete mula sa Putrajaya, Malaysia noong Enero 30.
Base sa impormasyon mula sa National Bureau of Investigation (NBI), isinailalim sa x-ray scanning ang pakete at napansin ang mga kahinahinalang bagay.
Nang kumpirmahin ng PDEA na ketamine ang laman ng mga naturang fitnest equipment, ikinasa ang isang controlled delivery operation sa Pasig City at naaresto ang isang Chinese citizen.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag