January 24, 2025

P1-T TARGET COLLECTION NG BOC

MATAPOS ang mas mataas sa inaasahang revenue collection ngayong taon na posibleng umakyat sa P100 billion revenue haul ngayong taon ay pinag-aaralan na ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na magtakda ng P1 trilyon bilang kanyang aspirational target para sa pangalawang pinakamalaking ahensya ng buwis ng gobyerno.

Sa panayam sa Manila Bulletin Hotseat, inihayag ni Commissioner Ruiz ang kanyang “P1 trilyong internal target” na itinakda para sa kanyang sarili bilang hepe ng Bureau of Customs sa layuning makatulong na matustusan ang mga pinasyal na pangangailangan ng pamahalaan.

Ang internal target ni Ruiz ay higit na mataas sa taunang inaasahang revenue collection ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) mula sa Customs bureau sa susunod na tatlong taon. Ang DBCC ay isang inter-agency body na nagtatakda ng macro-economic assumptions ng gobyerno.

Nabatid na ang Aduana ay inatasan ng DBCC na mangolekta ng P765.6 bilyon sa susunod na taon; P803.2 bilyon sa 2024 at P863 bilyon sa 2025.

Una nang ipinagmamalaki ng Team BOC na ang mas mataas na koleksyon ng Customs kaysa sa kanilang target collection ngayong taon ay nagpatuloy na nag-snowball, na umabot sa P758.28 bilyon noong Nobyembre 17.

Aniya, ang pinakahuling collection report ay 18.6 percent o P119.13 billion over the target for the period.

“Ang bureau ay nag-post ng kabuuang koleksyon na P44.378 bilyon mula Nobyembre 1-17, 2022. Ito ay 22 porsyento o P8.016 bilyon sa target para sa nasabing panahon,” ani Ruiz.

Sinasabing mas mataas ang inaasahan revenue collection ng BOC sa pagtatapos ng taon, ayon sa tagapagsalita ng nasabing ahensya, kasunod ng pagtatala ng labis pa sa itinakdang P721.52 billion 2022 revenue target.

Base sa pagtataya ng ahensya, posibleng pumalo ng higit pa sa P100 billion ang maitatalang collection surplus ng kawanihan.

Sa datos ng BOC Financial Service Office, umabot na sa P745.5 billion ang kabuuang halaga ng pondong nakalap ng BOC mula Enero hanggang Nobyembre 11 ng kasalukuyang taon – labis pa ng halos P24 billion kumpara sa revenue collection sa mga nakalipas na taon.

“What we have been collecting the day beyond November 11 until now is the Bureau’s surplus collection performance,” ani Arnaldo Dela Torre ang tagapagsalita ng Aduana.

“This is a good message for our countrymen that we will not stop. Even though the target for November and December has been reached, we will still aim to surpass the assigned revenue collection target,” dagdag pa niya ni Dela Torre.

Magugunitang mismong si Comm. Ruiz ang nagpahayag na maglalaro sa pagitan ng P930B hanggang P968B ang kabuuang revenue collection ng BOC sa pagtatapos ng 2022 – bagay na aniya’y hindi mangyayari kung hindi sa pakikipagtulungan ng mga opisyal at kawani ng pinamumunuang ahensya. Ayon naman kay Dela Torre, malaking bentahe rin ang sigasig na ipinamalas ng 17 district collectors at pakikiisa ng mga pribadong kumpanyang pasok sa la­rangan ng kalakalan.