Muling ipinanawagan ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) ang “big-time” price rollback para sa produktong petrolyo.
“Sa kabila ng marami naming panukala kung paano maiibsan ang mabigat na epekto ng taas-presyo ng langis sa mangingisda, wala ni-isa sa mga ito ang pinakinggan ng kasalukuyang administrasyon,” saad ni Pamalakaya National Spokesperson Ronnel Arambulo.
Ayon kay Arambulo, isa lamang ilusyon itong ipinatupad na P1 rollback sa mga produktong petrolyo ng mga kompanya ng langis at hindi mararamdaman ng bulnerableng sektor.
Umapela ang Pamalakaya para sa pansamantalang suspensyon ng excise tax sa pangunahing produktong petrolyo, gayundin ang probisyon ng P15,000 production subsidy sa marginalized sector. Una rito, nagbabala rin ang grupo na ang pagtaas ng unemployment rate ng mga mangingisdang Filipino ay maaaring magdulot ng “pangmatagalang” pinsala sa food security ng Pilipinas.
Samantala, sinabi Arambulo na target nila na “maibalik” ang proseso ng produktong petrolyo sa “pre-pandemic levels,” kung saan aabot sa P35 hanggang P40 per litro.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA