KULUNGAN ang kinasadlakan ng dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P1 milyon halaga ng shabu at baril sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek bilang sina Francis Hatchaso alyas “Berting”, 45, fisherman, at Marlon Casama alyas “Malo”, 27, fisherman at kapwa (pusher/listed).
Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) PBGEN Ulysses Cruz, dakong alas-6:50 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Luis Rufo Jr, kasama ang TMRU, SWAT team at Intelligence Section ng buy bust operation sa Judge Roldan St., Brgy., San Roque.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P6,000 halaga ng droga at nang tanggapin nila ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang transparent plastic sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang160 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P1,088,000.00, isang cal. 38 revolver na may tatlong bala, digital weighting scale, sling bag, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 5 pirasong P1,000 boodle money at P860.00 recovered money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagang kaso na paglabag sa RA 10591 (Comprehensive law on firearms and Ammunitions) ang kakaharapin ni Hatchaso.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?