NASAMSAMAN ang humigit-kumulang sa P1.7 milyon ng pinagsamang mga shabu at marijuana mula sa isang High Value Individual (HVI) na nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang search operation ng mga tauhan ng Candelaria Municipal Police Station sa Barangay Mangilag Sur ng Candelaria Quezon nitong Lunes.
Base sa ipinadalang report ni Quezon Police Provincial Director P/Colonel Ruben B. Lacuesta, kay Calabarzon Police Regional Director Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, kinilala ang suspek na si alyas “Rowell”, 42 taon gulang, nakalista sa drug watchlist ng Quezon Police Provincial Drug Enforcement Unit.
Nahalughog sa bahay ng suspek ang 12 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng mga hinihinalang shabu na may timbang na 82.1 gramo na nagkakahalaga ng P1,674.840.00 at isang plastic sachet ng dried leaves marijuana na may bigat na 1.2 grams na worth P240.00.
Nakaditine na ngayon sa Candelaria Custodial and Holding Facility ang suspek at inihahanda na ang kasong palabag sa Section 11 of Article II ng Republic Act.9165 o Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act of 2002. (Erichh Abrenica)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA