NASAMSAM ng mga awtorirad ang mahigit P1.4 milyon halaga ng shabu sa tatlong drug personalities, kabilang ang dalawang listed bilang high value individual (HVI) matapos maaresto sa buy-bust operation sa Malabon City.
Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Ulysses Cruz ang District Drug Enforcement (DDEU) sa ilalim ng pangangasiwa PLt. Col. Renato Castillo sa pagkakaaresto sa mga suspek na sina Larissa Lacson alyas “Ate”, 31, (HVI), Maricris Marquez alyas ‘Cris”, 43, (Listed), kapwa ng Unit B, Road 4 Street, Brgy. Dampalit at Ricardo Salvador, 49, (HVI) ng Navotas City.
Ayon kay Cruz, dakong alas-1:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin ng buy bust operation sa harap ng Unit B, Road 4 Street, Brgy. Dampalit kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P5,500 halaga ng droga.
Nang tanggapin ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang medium size transparent plastic sachet ng shabu ay agad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 210 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P1,428,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at limang pirasong P1,000 boodle money at sling bag. Nahaharap ng mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA