MATAGUMPAY na nasabat ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enfocement Agency (PDEA) at NAIA-Inter Agency Drug Interdicton Task Group (NAIA-IADITG), ang parcel na naglalaman ng kush, isang high grade marijuana na nagkakahalaga ng higit P1.4 milyon nitong Disyembre 10, 2024, sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Galing sa bansang Thailand ang nasabing kargamento na idineklarang mga damit.
Nagresulta sa pagkakadiskubre ng 1,002 gramo ng kush na may street value na P1,402,800 ang masusing profiling ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), x-ray screening ng X-Ray Inspection Project (XIP), K9 inspection at physical examination.
Itinurnover sa PDEA ang naarestong consignee at ang nakumpiskang iligal na droga para sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, as amended) at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).
“This operation highlights the critical role of inter-agency collaboration in protecting our nation from the threat of illegal drugs,” ayon kay Commissioner Bienvenido Rubio na binibigyang diin ang pangako ng ahensiya na labanan ang smuggling sa iligal na droga.
Ang BOC-NAIA, na pinamumunuan ni District Collector Atty. Yasmin O. Mapa, ay patuloy na nagsusumikap upang pangalagaan ang mga hangganan ng bansa at pigilan ang smuggling ng mga ilegal na substansiya na naglalagay sa panganib ng kaligtasan ng publiko.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA