January 4, 2025

P1.4-M ILIGAL NA PAPUTOK WINASAK NG PRO4A CALABARZON; 7 ARESTADO SA PAGPAPUTOK NG BARIL

PINANGUNAHAN ni Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, ang pagsira sa mga nakumpiskang 19,611 mga ipinagbabawal na paputok na nagkakahalaga ng P1.4  Milyon Piso sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na paputok simula noong December 18-30, 2024.

Ayon kay General Lucas dahil sa kanilang walang tigil na pagpapatupad ng batas na nagresulta ng pagkakakumpiska sa 15, 825 iba’t ibang uri ng mga iligal na paputok.

Ang matagumpay na kampanya ay dahil na rin umano sa pagkikipagtulungan ng mamamayan at ng mga Local Government Units at pagpapalakas ng impormasyon tungkol sa panganib na dala ng mga iligal na paputok at himokin ang publiko sa ligtas na pagdiriwang ng bagong taon.

Samantala pito katao naman ang kinasohan ng indiscriminate firing o iligal na pagpapaputok ng baril sa Calabarzon apat sa Batangas, isa sa Rizal, isa sa Quezon at isa sa Cavite Bago sumapit Ang bagong taon. (Erichh Abrenica)