January 16, 2025

P1.30B net income sa 2021 naitala ng CDC

Inanunsiyo ng Clark Development Corporation (CDC) na umabot sa P1.30 bilyon ang naitala nilang net income sa nakalipas na taon.

Mas mataas ito ng 55 percent kung ikukumpara sa figure nito noong 2020 na P0.84 bilyon.

Sa report na iprenesinta ng CDC – Assistant Vice President for Finance Alizaiod Parasa kay CDC President and CEO Manuel R. Gaerlan, nabanggit na na nakamit ang notable financial milstones para sa state-owned corporation sa gitna ng hamon ng global health crisis.

“CDC’s financial stance remained afloat as it recorded a P5.96 billion cash position for 2021, a significant growth compared to the 2020 audited figure of P5.19 billion. Aside from this, a 9-percent upturn was also seen in the firm’s total assets of P10.72 billion against the audited figure in 2020 at P9.84 billion,” ayon kay Gaerlan.


Mula 2016 hanggang 2021, ang kabuuang net income ng CDC ay P7.05 bilyon na kumakatawan sa 70 porsiyento ng overall net profit ng korporasyon simula nang itatag ito noong 1993. Sa nakalipas na anim na taon (2016 hanggang 2021), umabot sa P4.01 billion total cash dividends ang nai-remit ng CDC sa National Treasury.


Ang figure accounts na ito ay bumubuo para sa 66 percent ng kabuuang remittances na ginawa state-owned corporation sa nakalipas na 28 taon. Ito rin ay nagpapatunay sa tuloy-tuloy at aktibong kontribusyon ng CDC sa kaban ng bansa.

Bukod sa mga pinansiyal na tagumpay nito, ang CDC ay patuloy na nagbibigay ng suporta at tulong sa iba’t ibang mga hakbangin sa COVID-19 ng pambansang pamahalaan.


Iniugnay ni Gaerlan ang mga pinansiyal na tagumpay na ito sa pinagsama-samang pagsisikap ng mga opisyal ng CDC, manggagawa, pati na rin ng mga stakeholder nito na patuloy na nagbubuhos ng suporta at pagtitiwala sa state-run corporation.

“The outstanding financial and cash position of CDC by end of 2021 was a result of the combination of efforts of the entire CDC organization to include judicious fund management and cost-saving measures to reduce operational expenses,” saad ni Gaerlan.