December 25, 2024

P1.28 BILYON SHABU HULI SA CAVITE

BACOOR, CAVITE- Arestado ang tatlong mga big time drug suspect sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng mga pinagsanib na puwersa ng  PDEA Cavite, PDEA IIS, PDEA SES, AFP JCTF NOAH, Bacoor City Police Station at PNP Drug Enforcement Group (PDEG),  kaninang alas-7:00 ng umaga sa Brgy. Molino 3, Bacoor, Cavite.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jorlan San Jose, 26; Joseph Maurin, 38; at si Joan Lumanog, 27, mga pare-parehong residente sa Brgy. Dominorig, Talatag, Bukidnon.

Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Arnold C. Carreon, nadakip ang tatlong suspek matapos na kumagat sa bitag ng isang PDEA agent na nagpanggap na poseur buyer.

Nabawi sa mga suspek ang 149 kilos ng mga pinaghihinalaang shabu na meron Dangerous Drugs Board (DDB) estimated drugs market value na P1,028.000.000, isang cellular phone at ang ginamit na drug buy-bust money.

Sinasabing konektado ang mga suspek sa napatay na top level drug personality na si  Basher Bangon, nuon Septembe 9, 2021 sa isinagawang operasyon ng mga pinagsanib na puwersa ng gobyerno at ng PDEA.

Sasampahan ang tatlong suspek ng kasong paglabag sa Section 5 (Selling) at 11 (Possession) at 26b ng RA 9165. (Koi Hipolito)