November 22, 2024

OWWA:  MAG-INGAT SA OFW LENDING SCAM

PANANAGUTIN ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga grupo at indibidwal sa likod ng di ‘umano’y panloloko gamit ang pangalan ng naturang ahensiya.

Babala ng OWWA,  hindi konektado sa kanilang ahensya ang dalawang pekeng social media accounts na sangkot umano sa loan lending scams at nag-aalok ng mga serbisyong hindi awtorisado ng naturang tanggapan.

Partikular na tinukoy ng OWWA ang Facebook accounts – ang “Owwa Rish Mendoza” at “Katelyn Ching.” 

“May mga account na gumagamit ng opisyal na larawan ng OWWA para humikayat ng mga OFW at kanilang pamilya para mangutang,” saad isang bahagi ng pahayag ng OWWA.


Hinimok ng OWWA ang publiko na isumbong ang mga pekeng account sa kanilang email na [email protected], mobile number/Viber 639175805720, at landline 632 (8)551-6638.