November 17, 2024

OVP may sagot na sa mga alegasyon ng dating kasapi ng Kingdom of Jesus Christ

Inilabas na ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang sagot sa mga alegasyon laban sa kanya kaugnay sa paglantad ng isang Rene sa pagdinig ng Senado hinggil sa pagkikita nila ni Dating PRRD at Pastor Apollo Quiboloy.

Sa maikling video message, sinabi ni VP Sara na sa kasaysayan ng Pilipinas ay nakaugalian na ang pag-atake at pagbato ng sari-saring isyu laban sa Pangalawang Pangulo.

Marahil aniya ang Bise Presidente ang tumatayong balakid sa mga nangangarap na maging Pangulo ng Bansa.

Ayon kay  VP Sara hindi na rin siya magugulat  na dumami pa ang kaso, imbestigasyon, testigo, paratang at atake laban sa kanya sa mga susunod na araw, linggo at taon

Naniniwala rin aniya siya na may tamang panahon para sa lahat, ngayon aniya ay panahon ng kanyang pagtratrabaho

Tiniyak ni VP Sara na tutuparin niya ang sinumpaang tungkulin, uunahin niya ang mga tunay na suliranin, uunahin niya ang mga Filipino.

Ang pahayag ay tugon ng Bise Presidente sa tanong ng media matapos ang dinaluhan  convention ng Chinese Filipíno Business Club patungkol sa isyu ng mga kinuhang baril sa Glory Mountain ni Pastor Apollo Quiboloy.