December 25, 2024

Outdoor X-Mas Party, itinanggi ng DOH (Text advisory, kalat na!)

Itinanggi ng Department of Health (DOH) na may basbas nila ang text advisory nitong umaga tungkol sa outdoor Christmas parties.

“When we verified with the office in charge for this, hindi pa kami nagpapalabas. So we wonder why lumabas na agad dahil pag-uusapan pa lang sana yung messages na ‘to para hindi nakakalito sa mga kababayan,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa isang media forum.

“These Christmas parties might be a cause for a superspreader event and we do not want that to happen because it might cause infection to the community.”

Nakasaad sa advisory ng National Telecommunications Commission (NTC) na inirerekomenda umano ng DOH, Department of Information and Communications Technology, at Healthcare Professionals Alliance for COVID-19 (HPAAC) ang outdoor parties.

“May Christmas party? Buksan ang bintana at electric fan. Mas ligtas kung outdoor ang venue. Maligayang Pasko? Kaya natin ‘to!,” ayon sa advisory.

Iniimbestigahan na raw ng Health department ang report. Pinag-aaralan pa lang kasi ng ahensya ang paglalabas ng anunsyo para hindi magdulot ng kalituhan sa publiko.

Kung ang DOH umano ang tatanungin, pabor sila sa mga alternatibong paraan ng holiday celebration tulad ng virtual parties.

“Piliin natin ang mga alternative, gaya ng online tulad ng Simbang gabi dahil mayroon namang online masses.”