INAMIN ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na mayroon umanong planong patalsikin siya at siraan ang ibang miyembro ng poll body.
Ayon kay Garcia, ang impeachment complaint ay may kaugnayan umano alegasyon na tumanggap siya ng suhol mula sa foreign banks, kabilang ang mga nakabase sa South Korea, papunta sa 49 offshore accounts na sinasabing nauugnay sa isang opisyal ng Comelec.
Una nang nagpasaklolo ang Comelec chief sa National Bureau of Investigation (NBI) upang silipin ang naturang akusasyon na kumakalat sa online na siya ay may offshore bank accounts.
“Para sa kaalaman ng mga ‘yan, ito po ay isang planado na operasyon, sunod-sunod po ito, series, madami po ito. Ang susunod po nito, sabihin ko na, ‘yung individual members ng commission, ang mga commissioners ko naman ang may white paper,” ayon kay Garcia.
Ang kahulihan, fi-file-an kami lahat ng impeachment. Sasabihin ko na po pagka’t nadecode ko na lahat nung pong nabanggit na po sakin lahat ng plano ng grupo sa likod nito,” dagdag niya.
Sa liham na may petsang Hulyo 8 at naka-address kay NBI Director Jaime Santiago, sinabi ng Comelec chief na kasinungalingan at walang basehan ang mga alegasyon na ibinabato sa kanya.
Ayon kay Garcia, handa siyang makipagtulungan sa gagawing imbestigasyon.
“If it would aid in your inquiry, I am prepared to issue whatever waivers to override any anti-money laundering regulations and bank deposit secrecy law pertaining to the alleged accounts in question,” aniya sa liham.
Noong Hulyo 9, ibinunyag ni Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta, na nasa halos P1 bilyon halaga ng pondo ang inilipat mula sa South Korean-base banks sa 49 offshore accounts na sinasabing nauugnay sa isang hindi painangalanang Comelec official.
Sinabi ni Garcia na ikinalulungkot niya na isinapubliko ang mga akusasyon nang hindi muna hiningi ang kanyang panig o pananaw.
“Wala man lang patawag sakin. ‘Yung nagaakusa ay napakalapit na kaibigan at naging kliyente ko pa, nakakalungkot lang sana nasabihan tayo at the same time para makuha man lang ang side natin,” daing niya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY