December 24, 2024

Ospital ng Tondo, sarado muna

Isang sulyap sa harapan ng Ospital ng Tondo matapos ipag-utos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pansamantalang pagsasara ng nasabing osipital ngayong araw matapos mahawaan ng coronavirus disease 2019 ang 32 health workers nito. (kuha ni NORMAN ARAGA)

Pansamantalang isinara ang Ospital ng Tondo sa Maynila matapos magpositibo sa coronavirus diseases 2019 (COVID-19) ang 32 medical frontliner nito.

Sa isang panayam ngayong Biyernes, inanunsiyo ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sampung araw isasara ang nasabing ospital.

Layon ng temporary closure na mabigyang daan ang gagawing sanitation activities at mabigyan ng “breathing space” ang mga Medical staff ng ospital.

Nilinaw naman ng alkalde na ang mga pasyenteng naka-confine na sa ospital ng tondo kasama ang mga covid-19 patients ay patuloy pa ring bibigyan ng atensyong medikal.

Payo naman ng Manila LGU sa mga magpupunta sa Ospital ng Tondo na magtungo na muna sa iba pang pagamutan sa lungsod gaya sa Gat Andres Memorial Medical Center at Justice Jose Abad Santos General hospital.

Matatandaan na noong Mayo ay labing -apat na araw na isinara ang Ospital ng Tondo dahil din sa pagdami ng mga Health care worker na nagkakasakit. Una rito isinara rin pansamantala ang Ospital ng Maynila dahil sa tumataas na bilang ng Health workers na nagpopositibo sa virus.