Wala pa ring makakalaban si Oscar De La Hoya (39-6, 30 KOs) sa kanyang comeback fight sa July 3.
Nabanggit ang pangalan ni UFC lightweight champion Eddie Alvarez na siyang posibleng kalaban. Ngunit, wala pa rin itong katiyakan.
Dahil hindi naman ganoon kalaki ang pangalan ng MMA fighter.
Ayon kay Triller Chief Boxing Officer Peter Kahn, hindi siya sigurado kung si Alvarez nga ang makatatapat ng 48-anyos na boxing icon.
Pamilyar ang pangalan ng 37-anyos na si Alvarez dahil natalo ito noon kay Conor McGregor noong 2016.
“You know, it’s interesting. I can tell you that De La Hoya is going to be on Triller,” sabi ni Kahn sa AK & Barak show.
“But I’m not sure that Eddie Alvarez is going to be the opponent for that fight.”
“I saw that Alvarez had expressed that he was in negotiations, but right now there’s no opponent, no opponent for Oscar De La Hoya,” aniya.
May ilan namang suggestion ang boxing analyst sa possible opponent ni Golden Boy. Anila, pwedeng si Floyd Mayweather Jr. Anderson Silva at Julio Cesar Chavez.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo