Sa kanyang planong pagbabalik sa boxing ring, may target na makaupakan si boxing icon Oscar De La Hoya. Ayon sa isang source, puntirya ng 6-time division world boxing champ na makaharap si Marcos Maidana.
Katunayan, nakikipag-negosasyon ang kampo ni Maidana sa Golden Boy Promotions. Ito ay sa katauhan ni Grant Elvis Phillips.
Nakikipag-ugnayan na it okay GBP President Eric Gomez upang maplantsa ang laban ng dalawa. Kung si De La Hoya ay tumigil sa boxing ng 12 taon, si Maidana naman ay 6 na taon namahinga.
Huling lumaban si De La Hoya, 47, noong December 8, 2009 kay Manny Pacquiao. Samantalang si Maidana, 37, ay noong matalo ito ng 2 beses ka Floyd Mayweather Jr.
May boxing record si Maidana na 35-5, 31 KO’s. Kabilang sa mga naging biktima nito sina Erik Morales, Victor Ortiz at Adrien Broner.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na