MANILA, PHILIPPINES
Nanawagan ang ilang oposisyon na dapat silang magkaisa upang makamit ang magandang pagkakataon na talunin ang pinagsanib na puwersa nina dating Sen. Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
“The need for a united opposition has never been more important. The task of the opposition is to unite and work with all democratic and freedom-loving Filipinos in defeating this unholiest alliance of dynasts and budding tyrants,” ayon kay Makabayan chairperson Neri Colmenares.
Sinabi rin ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na kinakailangan para sa lahat ng “demokratikong, di-administrasyon na mga kandidato at pwersa” na magkaisa laban sa potensyal na “dictatorannical” na rehimeng Marcos-Duterte.
“We call on the opposition to put aside their differences and forge a broad united force,” ayon kay Zarate said. “We must prevent the ‘mad’ (Marcos and Duterte) tandem from winning as this means another dark, even darker, time in our history.”
Inihain ni Duterte-Carpio ang kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente bilang pamalit kay Lakas-CMD bet Lyle Uy na nagtungo sa Comelec para i-withdraw ang kanyang kandidatura.
Pagkatapos nito, nagpasa ng resolusyon ang Partido Federal ng Pilipinas na kanilang ia-adopt si Duterte Carpio bilang vice-president candidate ni Marcos.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?