
MAGSASAGAWA ng fund raising show ang mga OPM singers na inorganisa nina Cooky Chua, Lolita Carbon at Bayang Barrios para sa folk singer na si Coritha na kasalukuyang nakaratay matapos ma-stroke.
Ang isasagawang show na pinamagatang Awit Para Kay Coritha ay idaraos sa August 5, 2024, sa My Brother’s Mustache Folkbar sa Quezon City.
Ang Pinay folksinger ay sumikat noong dekada 80 sa kanyang mga awiting “Oras Na,” “Lolo Jose,” “Sierra Madre,” at iba pa.
Bukod kina Cooky and Kwachie Vergara, kabilang sa magpe-perform sina Bayang Barrios and Mike Villegas, Becky and Lester Demetillo, Bobby Mondejar and Friends, Chickoy Pura, Corky and Kiko, Lolita Carbon, at Toto Sorioso.
Ang charge para sa show ay PHP500 per head. Magsisimula ito bandang alas-7:00 ng gabi.
Matatandaang nanawagan ang netizen na si Romeo Babao sa kanyang Facebook page noong July 30 ng tulong para kay Coritha.
Nakalakip sa post ang mga larawan ng sitwasyon ngayon ng Pinay folksinger.
More Stories
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification
Pamilyang Villar, todo-suporta sa kandidatura nina Camille at Cynthia Villar sa Las Piñas motorcade
SUPREMO, TANGGOL NG BATANG QUIAPO, NANLIGAW SA MANILEÑO