January 19, 2025

Oplan Linis Ganda Cable, inilunsad sa Valenzuela

INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang “Oplan Linis Ganda Cable.” Sa pakikipagtulunag sa mga utility provider ng lungsod tulad ng Converge ICT Solutions Inc., PLDT Telecommunication Company, Manila Electric Company (Meralco), at Globe Telecom para linisin ang sala-salabat na mga kable ng kuryente o “spaghetti wires” sa lungsod.

Ang “Oplan Linis Ganda Cable” ay isang direktiba ni Mayor WES Gatchalian na naglalayong tiyakin ang kaligtasan sa kalsada at bahagi ng pinaigting na intensified commitment in reclaiming the public roads and highways upang makapagbigay ng mas maraming espasyo para sa mga tao at gawin itong mas madaling mapuntahan.

Nagdudulot ng kaguluhan at alalahanin ng publiko ang mga gusot o “spaghetti wires” dahil ang mga ito ay itinuturing na banta sa kaligtasan ng mga residente, mga dumadaan sa lugar at nakakasira din sa paningin na nakakaapekto sa estetika ng lugar.

Kaugnay nito, layunin ng lokal na pamahalaan na linisin ang mga pangunahing kalsada at maging ang mga masikip na kalsada upang maiwasan ang maaaring mangyaring aksidente at sinisikap na maibalik ang kagandahan ng mga kalsada sa lungsod.

Ang naturang proyekto ay sinimulan sa kahabaan MacArthur Highway, dahil ito ang pangunahing daan ng lungsod. Sa kasalukuyan, nakalagay ang mga kable ng kuryente sa Barangay Marulas, Barangay Karuhatan, Barangay Malinta, at Barangay Malanday.

Hanggang hindi pa natatanggal ang lahat ng spaghetti wire, magpapatuloy ang operasyon at paglilinis sa lahat mga kalsada sa Valenzuela City. Hangad ng pamahalaang lungsod na matapos ang proyekto sa abot ng kanilang makakaya, upang hindi makaabala sa mga dumadaan sa mga kalsada.