November 5, 2024

OPISYAL NG PNP SA CALABARZON NA POSITIBO SA DROGA SIBAK SA SERBISYO

CAMP VICENTE LIM, LAGUNA – Pormal ng tinanggal sa serbisyo si PLtCol. Marlou Dumagat Besona na nakatalaga sa Calabarzon Police Regional Office (PRO4A) dahil sa kasong administratibo at grave misconduct nang magpositibo ito sa paggamit ng iligal na droga sa isinagawang “random drug test ” sa mga pulis noong May 19, 2021.

Ayon kay Calabarzon PRO 4A Regional Director PBGen. Eliseo DC. Cruz, si Besona ang kauna-unahang opisyal na nasampolan ng kampanyang Intensified Cleanliness Policy o  (ICP) ni Philippine National Police Chief, PGen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar.

Lumalabas sa isinagawang summary administrative due process proceedings sa opisyal ng pulis na positibo at may basehan ang mga isinampang kaso dito kaya’t pinatawan ito ng “guilty” at order of dismissal nuon July 12, 2021 at hindi na ito umapela ng motion of reconsideration.

Dahil sa nasabing resulta sa kaso ay nilagdaan na ni PNP Chief PGen. Eleazar, ang certificate of finality of dismissal laban kay Besona, babala naman ni RD PBGen. Cruz sa mga iba pang pulis sa Calabarzon na hindi umano siya magdadalawang isip na alisin at sibakin sa serbisyo ang mga tiwali at corrupt na pulis sa kanilang hanay.

Dagdag pa ni Cruz na layunin ng nasabing kampanya ng ICP na linisin ang kanilang hanay para tuloyang mawala ang mga abusado at kriminal na mga ilan uniformed personnels sa  Pambansang Pulisya at para maibalik ang tiwala at respeto ng mamamayan sa pulis. (KOI HIPOLITO)