
PATAY ang board secretary ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nang tambangan sa Mandaluyong City.
Kinilala ang biktima na si Wesley Barayuga na pinagbabaril habang lulan ng kanyang sasakyan sa harap ng PCSO office sa Calbayog Street.
Ayon kay City Police Chief Hector Grajaldo, sakay ng motorsiklo ang nag-iisang gunman at mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.
Sugatan naman ang hindi pinangalanang driver ni Barayuga at kasalukuyan ginagamot sa ospital.
Si Barayuga ay retired police senior superintendent at dating nakatalaga bilang city police director sa Iloilo City mula 2006 hanggang 2008.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang nasabing krimen.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon