
PANSAMANTALANG sinuspinde ang operasyon ng Pasig River Ferry Service mula Maundy Thursday ( Abril 1) hanggang Easter Sunday (Abril 4).
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, babalik sa normal ang operasyon sa Lunes, Abril 5.
Nilinaw ng MMDA na habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ay ipatutupad ang 50% seating capacity .
Papayagan lamang na makasakay ang Authorized Person Outside Residence (APOR) subalit kailangang magpakita sila ng identification card bilang patunay.
More Stories
195 PAMILYANG MANILEÑO, NABIYAYAAN NG LUPA SA ILALIM NG PROGRAMA NI MAYOR HONEY LACUNA
Imee Marcos: “Collateral Damage” dahil sa apelyido (Matapos ‘di makapasok sa Magic 12)
‘DQ’ VS VENDOR PARTYLIST