November 23, 2024

OPERASYON NG NAIA NAI-TURN OVER NA SA NNIC


Sa isang simpleng seremonya, opisyal nang inilipat ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa San Miguel-led New NAIA Infra Corp. (NNIC), alinsunod sa napagkasunduan sa ilalim ng Concession Agreement na nilagdaan sa pagitan ng gobyerno at NNIC noong Marso 2024.

“This milestone marks a significant step forward in the government’s initiative to harness private sector expertise and mobilize private capital for infrastructure development,” ayon kay DOTr Sec. Jaime Bautista.

Dumalo sa turnover ceremony sina San Miguel Corporation Presdent at COO Ramon. S. Ang, NNIC manager Lito Alvarez, MIAA General Manager Eric Ines, Bautista, DOTr Usec Robert Lim, at iba pa.



“Today, we are finally doing what the government has wanted to do since the 1990s- to use public-private partnership (PPP) in enabling a private operator to manage the operations and maintenance of NAIA and make it truly world-class. We wish NNIC much success,” dagdag ni Bautista.


Tiniyak naman ni Ines sa NNIC ang buong suporta at pakikipagtulungan ng MIAA matapos i-take over ang operasyon ng NAIA.


Tinatayang nasa P144-bilyong halaga ang ilalaan ng NNIC para sa pagsasaayos at pagpapaganda ng NAIA sa ilalim ng 15-year concession agreement.

Inaasahang mapapalawak nito ang kapasidad ng paliparan mula 35-milyong pasahero patungong 62-milyon taun-taon, gayundin ang air traffic movement mula 40 movement per hour patungong 48 movement per hour.

Nakikita ring makalilikha ng humigit-kumulang 58,000 trabaho ang rehabilitasyon ng NAIA.

“A world-class airport means more jobs, more tourists, and a stronger and more prosperous Philippines. NAIA is the first place travellers get of our country and we want the world to see it’s beauty and the incredible potential of the Filipino people. Let’s take pride in what we accomplished so far and everything we will accomplish together moving forward,” saad ni SMC Chairman Ramon Ang.

Kasabay nito, nilinaw ng DOTr na mananatiling pagmamay-ari ng pamahalaan ang nasabing paliparan.

Sa oras na matapos ang napagkasunduang concession period, ibabalik na muli ng NNIC ang buong operasyon nito sa DOTr at MIAA. (ARSENIO TAN)