November 17, 2024

Opener ng 1 United Philippines baseball tilt… KBA STARS BUWENA MANONG PANALO VS DLSU

Pumarada ang KBA Stars sa opening ceremony kahapon

UMISKOR ng unang panalo ang Katayama Baseball Academy( KBA) Stars baseball team sa pagsambulat ng 1 United Philippines Baseball  tournament kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.

Dinaig ng KBA ni playing  coach team owner Keiji Katayama ang reigning UAAP baseball champion De La Salle University 4-3 sa isang kapana-panabik na laban.

Tatlong pitchers ang ginamit ni Katayama kontra Green Archers nauna si national team player Raymond Nerosa na mahusay na  nag- pitch ng 5 innings,dalawa kay Diego Lozano  at ang nalalabing inning ay si Alvin Herrera ang pumukol kung saan  tampok ang struckout nito sa La Salle batter na sumelyo sa panalo at natakasan ang matinding pag- habol ng Taft-based batters.

” National team players Beronilla had 3 hits and Escano did a good job.We had a good start in this tournament”, wika ni Japanese baseball expert at sports patron Katayama.

Binubuo ng Stars nina Kyle Villafania,Jr.,Ignacio Escano,Mark Beronilla,Clairon Santos,Boo Barandiaran,Danric Catativo,Catl at Luis Miñana,Dino Almonte,Anton Rosas,Marion Gonzales,Allan Jay Dimal,Javi Macasaet,Gerard Riparip,Sean Jeremy Salaysay,Gino Tantuico,Alwen Nicole,Jason Salamida,Marco Mallari ,actor/ sportsman Gaty Ejercito,Nerosa,Herrera at Lozano.

Kasunod ng curtain raiser ng tripleheader ang makulay na pambungad seremonya na dinaluhan ni PABA secgen Jose Pepe Munoz.

Ang torneo ay nahahati sa 2 grupo.Nasa bracket A ang KBA Stars,NU,DLSU,UST ,Thunderz,at PAF habang nasa bracket B ang ADU,IPPC,ADMU,Tanauan,UP-A at UP-B.