November 3, 2024

ONLINE SPEEDKICKING TILT, IKINASA NG PHILIPPINE TAEKWONDO ASSOCIATION

Magsasagawa ang The Philippine Taekwondo Association (PTA) ng online speedkicking tournament sa Hulyo 11 hanggang 12 para sa mga local jins; na nagnanais na makabalik sa aksyon sa kabila na mayroong quarantine.

Ayon kay PTA grassroots director Stephen Fernandez, ang ideya tungkol sa torneo ay ikinasa pagkatapos ng ilang idinaos na poomsae tournaments, kagaya ng Online Daeu Open European Poomsae Championships noong nakaraang Mayo, kung saan nagwagi ang Pilipinas ng tatlong gold medals.

 “Nag-comment yung ibang mga (kyorugi) players namin. Paano naman daw sila, gusto nila ng competition,” saad ni Fernandez.

Ang poomsae ay nakapokus sa ilang taekwondo forms kung saan ang mga atleta ay ginagraduhan batay sa kanilang magiliw na galaw (grace) at skills; samantalang ang kyorugi athletes ay nakikipag-spar sa bawat isa na may iba’t ibang weight categories.

Sa ngayon, ang mga contact sports gaya ng taekwondo ay nananatili pang ipinagpapabawal sa training at competition; sangayon sa inilatag na panintunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

Subalit, ayon sa PTA, ang pagsasagawa ng  speedkicking championship para sa local athletes ay makatutulong sa kanila sa aspektong pisikal at mental sa panahon ng Coronavirus pandemic.

Kaugnay sa torneo, may 250 atleta na ang sumali at umaasa si Fernandez na marami pa ang lalahok.

 “You have to understand, puro training lang kasi sila. With this tournament, there is something they can look forward to aside from training,” aniya.