
MANILA, Hunyo 11, 2025 — Isang 28-anyos na online seller ang brutal na pinagbabaril at napatay ng isang hindi pa nakikilalang salarin habang naghihintay ng kanyang buyer sa San Andres Bukid, Maynila, gabi ng Martes.
Kinilala ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na si Kyle Mario Castro, residente ng No. 2423 Radium Street, Brgy. 775, San Andres Bukid. Dead on the spot si Castro matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Batay sa imbestigasyon, bandang alas-5:10 ng hapon ay nasa kanto ng Dagonoy at Radium Streets ang biktima upang iabot ang panindang damit sa kanyang buyer, nang bigla na lang sumulpot ang isang lalaki at pinaulanan siya ng bala.
Ayon sa mga saksi, nakasuot ng pulang helmet, short pants, at sandals ang suspek na agad ding tumakas sakay ng motorsiklo patungong A. Francisco Street matapos tiyaking patay na ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang tukuyin ang pagkakakilanlan ng salarin at alamin kung ano ang motibo sa krimen.
Hinihimok ng MPD ang publiko na agad magsumbong kung may impormasyon kaugnay sa insidente upang agad na mapanagot ang salarin sa karumal-dumal na krimen. (ARSENIO TAN)
More Stories
SMB, Ginebra, at ROS Nag-aagawan ng Pwesto; Converge Nakapila na Lang
₱110-M Halaga ng Delikadong Baterya, Sinira ng DTI
Green Energy Auction-4: Bid Registration Sisimulan sa Hunyo 16