
BUTUAN CITY – Arestado ang isang online seller at dalawa pa nitong kasama sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Caraga (PDEA-13) nitong Huwebes ng hapon (Enero 14) sa Barangay Baan Kilometer 3 sa nasabing siyudad.
Kinilala ng PDEA-13 ang naarestong suspek na si Ivory M. Gidoman, 33, isang online seller at residente ng Barangay Poblacion Esperanza, Agusan del Sur.
Kasama rin niyang naaresto sina Fritz Gerald Templado, 39, at James Philip Morano, 28, kapwa resident eng nasabing siyudad.
Ayon sa PDEA-13, nasabat sa mga suspek ang tatlong sachet ng shabu na may halagang P60,000 at iba pang piraso ng ebidensiya.
“The buy-bust was conducted in line with the intensified anti-illegal drug campaign policy of the administration of Pres. Rodrigo R. Duterte with the aim of ending the drug threat in the country,” sambit ng PDEA-13.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa tatlong suspek, ayon sa anti-narcotics agency.
More Stories
Dating Mayor Joric Gacula, buong pusong tumanggap ng pagkatalo sa halalan
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)