December 23, 2024

ONLINE BARTER PINAGDISKITAHAN NG DTI

Kuha mula sa DTI

MAHIGPIT na pinagbabawal ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagsasagawa ng online business barter transaction.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, kanilang pinapayagan lamang ang personal transactions dahil ang mga online transaction ay dapat magrehistro muna sa kanilang opisina.

Hinikayat nito ang mga online barter trade na magrehistro sa kanilang opisina at sa Bureau of Internal Revenue.

Pinapayagan ang mga barter trade sa ibang bahagi ng Mindanao gaya ng Sulu at Tawi-Tawi pero ito ay pinagbabawal sa batas sa ibang bahagi ng bansa.

Pinaalalahanan ni Lopez na dapat bumili na lamang ang mga mamamayan sa rehistradong online sellers para kanilang mahabol ang mga ito sakaling may reklamo sila.