PANSAMANTALANG sinuspinde ng Bureau of Immigration simula ngayong araw, Agosto 4, ang ‘online appointment system’ para sa mga dayuhan kliyente sa main office nito sa Intramuros, Manila dahil sa muling pagpapataw sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Inabisuhan ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga kliyente na may kumpirmadong appointment na mag-apply na lang muli ng panibagong iskedyul kapag na-lift na ang MECQ.
Sa ilalim ng MECQ ay babalik ang BI sa pagkakaroon lamang ng skeletal workforce.
Magpapatuloy naman ang online appointment system para sa mga dayuhan na may schedule ng pag-alis sa bansa sa kasagsagan ng pag-iral ng MECQ.
Kailangan lamang ipakita ang kanilang confirmed flight bookings o plane tickets para patunayan na pasok sa MECQ period ang kanilang flight.
Ang mga transaksyon na suspendido sa BI main office ay anng mga sumusunod:
– aplikasyon o conversion o renewal ng immigrant visa
– petition for recognition bilang Philippine citizens
– downgrading ng visa status
– tourist visa extension
– special work permits (SWP) at provisional permit to work (PPW)
– renewal ng alien certificate of registration (ACR I-Cards)
– pagpapatupad ng aplikasyon para sa visa conversion o extension na inaprubahan ng Board of Commissioners (BOC).
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna