November 24, 2024

ONE-STRIKE POLICY, IPATUTUPAD NG BI

Magpapatupad ng one-strike policy ang pamunuan ng Bureau of Immigration sa pamamagitan na pinaigting nitong kampanya kontra sa katiwalian.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, inatasan niya ang bagong tatag na Board of Discipline ng BI na “maingat na masuri ang mga reklamo at sumbong laban sa mga pasaway na mga tauhan” at kung mapatunayan na may merito ay agad nilang irerekomenda sa Department of Justice na sampahan ng kasong administratibo ang mga ito.

Lumalabas sa record ng BI na mula 2016 ay 131 empleyado ang sinuspinde, tinanggal sa puwesto at nahaharap sa iba’t ibang offence.

“We do not tolerate corruption amongst our ranks,” saad Morente. 

“In support of the President’s intensified drive against corruption, we have beefed up our Board of Discipline (BOD) to focus on cleaning up the Bureau,” dagdag pa nito.

Pinamumunuan ngayon ni Atty. Ronaldo P. Ledesma ang BOD, na dati ring nagsilbi bilang OIC Commissioner at OIC Deputy Commissioner ng BI. Lima pang karagdagang abogado ang itinalaga ng DOJ sa BOD.

Sa ilalim ng one-strike policy, pupuntiryahin nito ang mga inirereklamong tauhan ng BI at sasailalim sa imbestigasyon kung mapapatunayan ay agad silang sisibakin sa puwesto.

“What we really need is a change in law,” saad ni Morente.  “The current immigration law does not give us disciplinary powers over employees.  The set-up now is we are merely recommendatory to the DOJ.  If administrative control was to be given to the BI, if we find someone involved in improper activities in the morning, we can immediately implement a suspension in the afternoon,” ibinahagi pa niya.

Hinimok din ni Morente ang publiko na isumbong ang illegal na aktibidad sa hotline ng BI na +632 86452400 o mag-message sa Facebook.com/officialbureauofimmigration at Facebook.com/immigration.helpline.ph.