Mas maraming mga pasahero na ang maisasakay ng mga pampasaherong jeep, bus at tren matapos aprubahan ng Gabinete ang one-seat-apart-rule sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pumabor ang lahat ng miyembro ng Gabinete na paiksiin ang one-meter distancing sa mga PUVs.
Paglilinaw niya na epektibo ang bagong patakaran kapag nai-publish na ito sa Official Gazette at hindi na kailangan ng approval mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Inaprubahan na rin ng Gabinete na gawing 50 porsiyento mula sa dating 30 porsiyento kapasidad ang papayagan sa mga tren.
Dagdag pa ni Roque, na mas maraming provincial bus, shuttle, ride-hailing service, at motorcycle taxi ang papayagang makabiyahe para makapagsakay ng mas maraming pasahero.
Mas marami ring mga ruta ng jeep at bus ang bubuksan, saad pa niya.
Idinagdag ni Roque na kinakailangan pa rin sa mga pampublikong sasakyan ang pagsusuot ng ng face mask at face shield; bawal kumain at makipag-usap; sapat na bentilasyon; madalas at wastong disinfection; hindi papayagan ang symptomatic na pasahero; at naangkop na physical distancing.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA