Lumilitaw sa mga paunang pagsusuri na hindi kasing tindi ang epekto ng Omicron kumpara sa ibang COVID-19 variants, ayon sa mga top scientist ng World Health Organization at United States. Gayunman, kailangan pa umano ang dagdag na pag-aaral tungkol dito.
Dahil sa pangamba sa Omicron, maraming bansa ang nagsasara muli ng border upang mapigilan ang pagpasok ng bagong virus variant na unang lumitaw sa South Africa.
Nagdudulot din ng kaguluhan sa ibang bansa dahil sa pagpapatupad mula ng lockdown para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabi ng isang opisyal ng WHO na bagaman posibleng mas mabilis makapanghawa ang Omicron, maaari namang tinatablan ito ng COVID-19 vaccines.
“The preliminary data doesn’t indicate that this is more severe. In fact, if anything, the direction is towards less severity,” ayon kay WHO emergencies director Michael Ryan, na nagsabi rin na kailangan pa ng karagdagang mga pag-aaral.
Dagdag pa niya, “We have highly effective vaccines that have proved effective against all the variants so far, in terms of severe disease and hospitalization… There’s no reason to expect that it wouldn’t be so” for Omicron.”
Aminado naman si Ryan na maaaring mabawasan ang bisa ng mga bakuna laban sa Omicron dahil na rin sa mahigit 30 mutation nito sa spike protein.
Inihayag din ng top US scientist na si Anthony Fauci, na maaaring mahina rin lang ang epekto ng Omicron kumpara sa ibang variant.
“It almost certainly is not more severe than Delta,” ayon kay Fauci. “There is some suggestion that it might even be less severe.”
Gayunman, nag-iingat ang opisyal na hindi ma-“over-interpret” ang mga datos dahil ang bilang na sinusundan ay mga kabataan na mas mababa ang posibilidad na maospital.
Bukod dito, inaabot din ng ilang linggo kung nagiging severe o malala ang epekto ng virus.
“Then as we get more infections throughout the rest of the world, it might take longer to see what’s the level of severity,” paliwanag niya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY