Lalangoy si swimmer Kyla Noelle Sanchez para sa Pilipinas sa international meets. Inanunsyo mismo ng 21-anyos na Toronto ace na handa siyang ibandera ang bansa. Kabilang dito ang futute tourneys gaya ng Fina World Championships. Idaraos ang torneo sa 2023 sa Fukuoka, Japan.
Nagwagi ang Filipina swimmer sa 2020 Tokyo Olympics bitbit ang bandera ng Canada. Pero ngayon, ang Pilipinas naman ang dadalhin niya.
“I’m proud of my heritage, I’m proud to be a Filipino, so I’m excited with this new journey,’’ ani Sanchez sa isang presscon na inorgarnisa ng Philippine Swimming Inc. at the POC head office sa Pasig City.
Sa pagpayag niya na katawanin ang bansa, sasailalim si Sanchez sa 12-month residency. Sa gayun ay ma-qualify siya para sa world championships sa ilalim ng PH flag.
Purong Pinoy ang mga magulang ni Kyla na sina Noel at Susana Sanchez. May posibilidad ding bibitin niya ang bansa sa 2024 Paris Olympics. Kailangan lamang na manairahan siya ng 3 taon sa bansa para maipresenta ang Pinas sa Olympics.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!