NAGPAKITANG-GILAS si Olympic hopeful at 32nd Cambodia SEAGames gold medalist Janry Ubas upang dominahin ang ang men’s long jump sa itinala nitong 7.83 sa hostilidad ng ICTSI Philippine Athletics Championship sa Philsports oval, Pasig City.
Ang panalong talon ni Ubas ay sapat namang naabot ang target na inaasahan sa kanya ni national coach Darry de Rosas.
“Okey na sa akin yung 7.83 kasi ang target namin ni coach Darry ay 7.80 lang para makakuha ng mataas na Olympic ranking points,” wika ni Ubas na ipinoste ang national mark na 8.08 tungo sa silver medal sa men’s decathlon na itinala sa Phnom Penh na kabisera ng Cambodia noong nakaraang taon.
Winalis naman ng Adamson University ang 1-2-3 finish sa javelin throw nina Cambodia SEAGames silver medalist Gennah Malapit na naka-silver 33.08 sa women’s under-20 sa likod ni gold medalist Elizabeth Sicat sa kanyang winning throw na 33.35 habang tersera naman si Irene Joy Veloso sa kanyang 32.86.
Ang naturang kaganapan na ķilala ding national open na inorganisa ng PATAFA at may basbas ng World Athletics ay itinataguyod ng ICTSI bilang title sponsor sa suporta rin ng Philippine Sports Commission, Lungsod ng Pasig,CEL Logistics, MILO, Pocari Sweat,Wireless Link, SIP,AAI,FILAM Sport, United Airlines at MASIV Sports. (DANNY SIMON)
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo