January 23, 2025

OLYMPIC GYMNASTICS HERO CARLOS YULO PINARANGALAN BILANG “FOREVER FLYER” NG PAL


PINARANGALAN ng Philippine Airlines (PAL) si double Olympic gold medalist at gymnast Carlos Yulo bilang “Forever Flyer” at tumanggap ng 150,000 Mabuhay Miles bawat taon habang buhay.

“Maraming salamat po sa pagdarasal at pag-suporta sa aming mga atletang Pilipino na naglaro sa Olympics,” ayon kay Yulo.

Ginawaran din ang mga Olympic bronze medalist na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio ng tig-80,000 Mabuhay Miles taon-taon para sa susunod na tatlong taon.

“Thank you, PAL, for the 80,000 miles; this is a big help to me and my family. Mabuhay po kayo,” ani Petecio. “Maraming salamat, Philippine Airlines; I will definitely use these miles, especially when I travel home to the province,” dagdag ni Villegas.

Dumating ang mga atleta na nagrepresenta sa Pilipinas para sa 2024 Paris Olympics lulan ng special Philippine Airlines (PAL) “homecoming” flight na lumapag sa Maynila noong Martes ng gabi, Agosto 13, 2024.

Napag-alaman mula kay spokesperson Ma. Cielo Vilalluna, na hinatid ng PAL flight PR 8888 mula Dubai patungong Maynila ang mga miyembro ng Philippine Olympic delegation, na nagbigay ng karangalan sa bansa.

Saad ni Vilalluna, ang naturang flight ay inorganisa ng Philippine Olympic Committee na sinuportahan ng pribadong sektor.

Sa nasabing flight, ini-enjoy ng mga atleta ang business class meals at complimentary inflight Wi-Fi, at binigyan din sila ng Tanduay Rhum products.

Ipinahayag ni PAL Holdings Inc. President at Chief Operating Officer Lucio C. Tan III ang kanyang pagmamalaki sa mga atleta, sa pagsasabing, “It is a great honor to carry home the heroes of the nation-our Filipino champions who represented their countrymen with pride and distinction on the global stage of the Olympics. (ARSENIO TAN)