November 24, 2024

OLYMPIC GOLD SA TOKYO, MISSION POSSIBLE – RAMIREZ

MAPAPALAPIT lalo ang tsansang makapitas na ng gintong medalya ang Pilipinas kapag nadagdagan pa ang magku-qualify na Pinoy best bets para sa  Tokyo Olympics na sasambulat sa Hulyo ng susunod na taong 2021.

Sa kanyang pampinaleng ulat sa taong 2020 kahapon via zoom, optimistiko si Philippine Sports Commission chairman William Ramirez na isa o dalawang ginto ang  posibleng  maiuuwi ng pambato nating olympians  ang kauna-unahang gold o higit pa lalo na  kapag aabot sa higit 20  ang  pinalad na mag-qualify na kanilang sasabakan  na nakatakda sa maagang bahagi ng susunod na taon.

“We are taking it in a positive way ang nangyaring pandemya at na -move ang Tokyo Olympics next year( orihinal na nakatakda ang Tokyo Olympics noong Hulyo 2020 pero di natuloy dahil sa Covid 19)  .Nadagdagan ang time ng preparasyon ng ating mga pambatong atleta, And it will be the biggest delegation  ever kaya mission possible na tayo  sa Olympiad,   ” wika ni Ramirez.

Nagpapasalamat si  Ramirez sa todo suporta ng ating mga Mambabatas  na nag-sulong para sa malaking pondong gagamitin ng ating mga Olympic -bound athletes magmula preparasyon, training hanggang aktuwal na kompetisyon.

Partikular din ang todo -gabay ni Pangulong Rodrigo Duterte  kung saan ang tagumpay ay magiging legasiya ng Duterte administrasyon  sa timon ng PSC chairman gayundin sa POC at ang malasakit ni Senator Bong Go na laging kinukumusta si Ramirez sa lagay ng Pinoy athletes.

“Siyempre nag- prepare din ang ibang mga bansa sa Olympics kaya dasal at puso ang susi ng ating tagumpay”,ani pa Ramirez.

Sa ating Pinoy best bets sa Tokyo Olympics… bring home the bacon.. GO FOR GOLD! ABANGAN!!!