Sinampahan ng kaso si Puerto Rican former Olympic boxer Felix Verdejo . Pinaslang kasi ng boxer ang kanyang lover at ang kanilang unborn child.
Nagpakita si Verdejo sa isang virtual hearing sa federal court sa San Juan. Kung saan, ipinataw sa kanya ng judge ang three counts of kidnapping. Gayundin ang pagpaslang kay Keishla Rodriguez na nagdadalang-tao.
Inorder ni judge Camille Velez na huwag payagang makapagbail ang 27-anyos na boxer. Ito’y sa kabila na nagplead ito ng plea hearing.
Ayon pa sa ulat, kasal si Verdejo at may relasyon sila ni Rodriguez. Kinidnap nito ang biktima noong April 29 matapos malamang buntis ito.
Sinuntok nito ang babae sa mukha at tinurukan ng syringe na may lamang substance. Pagkatapos nito, tinalian niya at ng kanyang kasama ( na ngayo’y witness) ang babae sa kamay at paa ng wire.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2