Puntirya ni Rio Olympics silver medalist weightlifter Hidilyn Diaz na makasampa sa podium sa huling qualifying event.
Upang masungkit ang inaasam na Olympic berth sa 2021 Tokyo Olympic Games.
Naudlot ang mga plano ni Diaz na sumabak sa nakatakdang qualifying meet bunsod ng lockdown dulot ng coronavirus di¬sease (COVID-19) pandemic.
Sa pagluwag ng quarantine protocols sa abroad, may pagkakataon ang tubong Zamboanga City.
Na makuha ang kanyang ikaapat na Olympic berth sa paglahok sa Olympic qualifying event sa Tashkent, Uzbekistan sa Abril 15-25.
Sa naturang torneo, malaki ang tsansa ng 28-anyos na si Diaz na opisyal na makuha ang Olympic tiket.
Gamay nito ang women’s 55-kilogram division para sa quadrennial event na gagawin sa Tokyo sa Hulyo 23 hanggang Agosto 4.
Sa ngayon, hawak ni Diaz ang No.2 sa world ranking.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2