November 3, 2024

OLYMPIAN MONSOUR DEL ROSARIO, MAY MENSAHE SA 19 TOKYO BOUND ATHLETES

Suportado ni world taekwondo champion Monsour Del Rosario ang 19 Tokyo bound athletes. Katunayan, mayroon siyang mensahe para sa kanila.

Sa ganitong paraan ay mapalakas niya ang loob ng mga ito. Gayundin ang maging masigasig at magkaroon ng maalab na determinasyon. Sa gayun ay masungkit na ang bansa ang kauna-unahan nitong gintong medalya sa olympics.

Sapol noong sumali ang Pilipinas sa torneo noong 1924, mailap ang gold medal. Kaya, ito na ang pagkakataon para makasungkit ng ginto.

Ang Tokyo Olympics ay makasaysayan dahil walang spectators ang manonood. Ito ay dahil sa patuloy na banta ng pandemya.

Batay sa kanyang karanasan noong 1988 Seoul Olympics, sinabi niya na dapat lumaban ng buong kaya. Manalangin sa Diyos upang bigyan ng lakas at husay sa sasabakan ng torneo.

Fight hard and pray hard. But don’t forget to enjoy this rare event that you will cherish forever,” ani ng taekwondo icon.

The entire Filipino nation looks forward to your stellar performance in the Games of XXXIII Olympiad. Bring home the gold. Mabuhay ang Pilipinas!” dagdag pa ni olympian Monsour del Rosario.