January 24, 2025

‘OLDEST LIVING FILIPINO’ NA SI LOLA ISCA, PUMANAW SA EDAD NA 124

Pumanaw na si lola Francisca Susano 9 o (lola Isca) sa edad na 124 taong gulang. Siya ang tinaguriang ‘The Oldest Living Filipino’. ‘O masasabing pinakamatandang tao pa nga sa buong mundo. Namatay siyang hindi kinilala ng Guiness World of Book Record. Ito’y sa kabila na may ipinasang dokumento ang ating pamahalaan.

Kung saan, pinatotohanan ng ating gobyerno na siya’y talagang isinilang noong September 11, 1897. Dahil dito, siya ang  kahuli-hulihang Pilipino na nabuhay sa 19th century. Pero, ang ipinagtataka ng ating pamahalaan, bakit hindi isinama sa listahan sa Top oldest living person si lola Francisca?

Bakit tanging ang Japan, USA, UK lamang ang kadalasang isinasama? Dahil ba sa hindi malakas ang Pilipinas sa Guinness? ‘Yan ang tanong at ipinagtataka ng iba. Ang orihinal na ‘Birth Certificate’ ni lola Isca ay nawala.

Nangyari ito sa kasagsagan ng digmaan sa pagitan ng Pilipino at Kastila. Nasunog ang ilan sa mga importanteng tanggapan noon. Noong American Occupation, kumuha ang magulang ni lola Isca ng panibagong birth certificate. Ito ang nakatala sa National Statistics Office (BSO) ngayon.

Masasabi nating si lola Isca ay simbolo ng pangako ng Diyos, na kabilang sa taong may mahahabang buhay. Tanging Pilipino na nabuhay sa pagitan ng tatlong siglo. Ang tanging lola na nasaklaw ang mahahalagang kasaysayan sa bansa at maging sa daigdig. Naabutan niya ang lahat ng naging pangulo ng bansa. Mula kay Aguinaldo hanggang kay Pangulong Duterte.

Nalampasan ni lola Isca sa haba ng buhay ang ilang karakter sa Biblia. Kabilang na ang patriyarkang si Jose (110 taon), Propeta Moises (120), Josue, ang mandirigma (110). Gayundin si Aaron, kaparid ni Propeta Moises (123 taon).