
APRUBADO na sa Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Disease (AITF-EID) ang bahagyang pagpapatakbo sa aesthetic services, dentist clinic, gym at internet café simula Agosto 1, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.
Papayagan ang mga nasabing negosyo na mag-operate subalit limitado lamang ito sa 30% na kapasidad, saad ni Lopez sa isang panayam.
Kabilang sa mga papayagan sa aesthetic services ang foot spa, facial, waxing at spot massage.
Papayagan din ang blind massage pero hindi kasama ang full body massage dahil kakailanganin nito ng mas mahabang oras sa isang spa o salon.
Ang cosmetic services tulad ng paglalagay ng dental veneers ay papayagan subalit kailangang sundin ang mga health protocols tulad ng pagsusuot ng personal protective equipment kasama na ang glove.
Sa mga gym, kailangan magsuot ng face mask at dapat sundin ang physical distancing.
Bawal pa rin ang Zumba.
Papayagan din ang mga internet café para sa online learning at hindi sa paglalaro.
Dalawang oras lamang din dapat ang maximum time sa internet café.
More Stories
2 arestado sa high-grade marijuana sa Caloocan
COMELEC, Inaprubahan ang Exemption ng P20/kilo Rice Project sa Election Spending Ban
Vote-Buying at Abuso sa Pondo… TAYTAY MAYOR ALLAN DE LEON, LACUNA AT IBA PA, PINAGPAPALIWANAG NG COMELEC