Sa ibang bansa ay maluwag na ang restriksyon. Wala nang face masks at face shields. Sa Amerika, halos lagpas sa 70 percent na ang nabakunahan sa kanilang mamamayan.
Kapwa sa una at ikalawang doses. Kaya, malaya nang gumala at makisalamuha ang mga Kano. Gayundin sa ibang bansa. Dito sa atin, nagtatalo ang mga nanunungkulan.
Anila, dapat bang alisin na o hindi ang face shields? Aplikable bang di na ito isuot at ok na sa face mask? Sabi ng mga eksperto, dapat pa rin isuot ang face shields dahil proteksyon ito sa virus.
Hindi ba prone din ang fac shields na kapitan ng virus? Kaya dapat din tong palitan o linisin araw-araw. Ang face mask naman ay dinidispatsa pagkatapos gamitin.
Nagkaroon ng argumento dito si sina Senator Tito Sotto at Cabinet Secretary Karlo Nograles. Ika nga ng senador, pumayag na si Pangulong Duterte na oks lang kahit di magsuot ng face shields.
Gayundin ang sinabi ni undersecretary treatment czar Leopoldo Vega.
Sa ospital na lang aniya to dapat isuot. Pero, nag-iba ang ihip ng hangin. Required pa rin daw ang magsuot nito ayon kay Nograles. Ano ba talaga, mga sir?
Sa totoo lang, mararami ang diskomportable sa pagsusuot ng face shield. Sagabal aniya ito sa paningin. Lalo na kapag umuulan. Para raw anila silang si Machine Man ang siste.
Pero, okay naman sa iba nating mga kababayan na magsuot pa rin nito.
Kayo mga kaibigan, sang-ayon ka ba na alisin na o hindi ang pagsusuot ng face shields?
More Stories
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur