
Pinahayag ni showbiz host Ogie Diaz na kumpirmadong buntis ang singer-actress na si Angeline Quinto. Ayon pa sa nakalap niyang source, 5 months na raw preggy ang ‘ Power Diva’. Sinabi ito ng host-manager sa kanyang programa sa ‘Showbiz Update sa YouTube.
Kumalat ang issue na preggy si Angeline dahil sa teleprompter na nahagip ng camera. Nangyari ito sa kanyang concert na ‘ 10Q’.
“Ako ang nasagap ko, 5 months…ang sabi sa akin, lalaki. Kasi may common friend kami ni Angeline, nagchika sa akin na 5 months nang preggy si Angeline, sa isang non-showbiz… at lalaki ang first baby,” ani Ogie.
Nang marinig ang katagang iyon, nagpalakpakan ang kanyang mga kasamahan. Na kinabibilangan nina Mama Loi at Dyosa Pockoh.
More Stories
Baron Geisler pinalaya matapos magbayad ng multa (Nalasing, nagwala)
Komedyanteng si Matutina pumanaw na, 78
‘Meteor Garden’ star na si Barbie Hsu pumanaw na, 48