HINDI na mapigilan ang sunod-sunod na vaccination program ng Taguig City government kung saan ay kabilang din sa naging prayoridad ang mga Overseas Filipino workers ( OFWs) na residente ng lungsod, napag-alaman sa ulat kahapon.
Ang mga OFWs na binansagang ‘Modern Day heroes’ ay binigyan nang pagkakataon ni Taguig City 2nd District Rep. Lani Cayetano na ibilang sa ‘priority lists’ dahil malaki ang naging sakripisyo ng mga ito at naiambag sa pag-angat ng ekonomiya sa bansa.
Ayon kay Cayetano, mahirap ang kalagayan ng mga OFWs sa ibayong-dagat lalo’t malayo sila sa kanilang pamilya kaya sa panahon ng pandemya ay dapat ding isaalang-alang ang iba sa kanila na gustong bumalik upang muling makapag-hanapbuhay sa kanilang employers.
Nabatid na ang iba sa OFWs ay naghihintay na lamang ng tawag mula sa kanilang mga employers upang makabalik kaya kapag nabakunahan na sila ay wala nang balakid upang sila aymakabalik doon. Bukod dito, naniguro din ang lokal na pamahalaan ng Taguig na bakunahan ng Pfzer, Moderna at Astra zenica ang mga OFWs dahil karamihan dito ay nagtratrabaho sa Middle East, Europe at Amerika na siya ring ginamit na vaccine sa mga nabanggit na bansa.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM